Konserbatibong aksyon ng Cebu City laban sa COVID-19, dapat manatili – OCTA

Naniniwala ang OCTA Research Group na dapat mapanatili ng Cebu City ang naging konserbatibo aksyon nito laban sa COVID-19 kahit bumagal na ang transmission ng virus doon.

Ayon kay OCTA Research Fellow Prof. Ranjit Rye, naging epektibo ang pagpapatupad ng quarantine sa Cebu City na sinabayan nila ng testing, tracing, at isolation.

Aniya, nakatulong din sa pagbaba ng transmission sa Cebu ang hospital management at hospital capacity upgrade.


Gayunman, hindi pa rin aniya maaaring luwagan ang quarantine classification sa Cebu City dahil na rin sa banta ng Delata variant.

“Nakita agad natin in less than three weeks po nakita kaagad natin iyong effect po ng successful implementation ng timely and appropriate interventions kasama diyan iyong lockdown, pagpapaigting ng testing, tracing and isolation. At nandiyan rin siyempre iyong cooperation po ng mga kababayan natin sa Cebu. Iyong mga kababayan natin na sumunod sa minimum public health standards.” ani Rye

Sabi pa ni Rye, nakikitaan din nila ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 ang ibang lugar sa bansa na nangangailangan din ng magpatupad ng konserbatibo aksyon para labanan ang virus.

Facebook Comments