Malapit nang matapos ang konstruksyon ng Central Luzon Link Expressway (CLLEX) Phase 1, Contract Package 1, mula sa magkadugtong na Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) sa Balincanaway, Tarlac.
Ayon kay Public Works and Highways Secretary Mark Villar 97% nang tapos ang Contract Package 1 na pinondohan ng P1.603 Billion.
Ang Contract Package 1 aniya ay binubuo ng konstruksyon ng 4-lane expressway, spanning 4.1 kilometers, na may probisyon ng underpass bridge at 2 farm passages.
Sa kabuuan ang CLLEX Phase 1 ay hinati sa apat na packages na sumasaklaw sa konstruksyon ng 30-kilometer, 4-Lane Expressway.
Kapag nakumpleto ito ay iiksi na ang travel time mula sa 70 minuto sa pagitan ng Tarlac City at Cabanatuan City ay magiging 20 minuto na lamang.
Tatagos ang expressway sa mga munisipalidad ng La Paz, sa Tarlac at Zaragoza at Aliaga sa Nueva Ecija at asahan na abot sa annual average daily traffic na 11,200 motorista ang dadaan dito.
Aniya, made decongest din ng proyekto ang Daang Maharlika ng hanggang 48%.
Sinabi pa ni Villar, ipinatupad ang ang CLLEX Phase 1 ng DPWH-UPMO Road Management Cluster I na may total budget na P14.93 billion mula sa Official Development Assistance Fund.