KONSTRUKSYON NG DAAN PATUNGONG DIBULO FALLS, SINIMULAN NA

Cauayan City – Kasalukuyan na ang ginagawang konstruksyon ng daan patungo sa sikat na Dibulo Falls sa bayan ng Dinapigue, Isabela.

Ang proyektong ito ay pinangangasiwaan ng Department of Public Works and Highways kasama ang Isabela 4th District Engineering Office.

Tinatayang nasa 19 Million Pesos ang halaga ng pondo mula sa General Appropriations Act of 2024 ang inilaan para sa pagsasaayos ng 487 meters na daan.


Ang Dibulo Falls ay tinaguriang “Tallest Waterfall in Isabela” dahil sa taas nitong isandaang metro.

Makatutulong ang proyektong ito upang mas maging maunlad pa ang lugar sa pamamagitan ng mas madaming turistang bibisita dahil mas maayos na ang kalsadang kanilang dadaanan.

Facebook Comments