Konstruksyon ng elevated bus ramps, nakikitang solusyon ng MMDA sa heavy traffic sa U-turn slot sa EDSA Gen. Tinio sa Caloocan

Paglalagay ng rampa o elevated bus ramp ang nakikitang solusyon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos sa nararanasang heavy traffic sa U-turn slot sa EDSA Gen. Tinio sa Caloocan.

Abot sa 28,000 na motorista ang gumagamit kada araw sa Gen. Tinio at sa katabi nitong A. De Jesus U-turn slots.

Isinara ang Gen. Tinio U-turn slot noong February 1.


Kanina, muling binuksan ng MMDA ang Gen. Tinio U-turn slot sa EDSA sakop ng Caloocan City matapos ulanin ng reklamo ang heavy traffic doon.

Ani Abalos, mananatiling bukas ang U-turn slot hanggang makapagtayo ng elevated bus ramps na solusyon sa traffic sa itinuturing na main artery ng Metro Manila.

Nakikipag-ugnayan na si Abalos sa Department of Transportation (DOTr) at Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa disenyo at konstruksyon ng elevated bus ramps.

Sa planong elevated bus ramps, ang mga sasakyan ay dadaan sa U-turn slots sa ilalim ng elevated ramps habang exclusive sa public utility buses ang rampa.

Facebook Comments