Konstruksyon ng ilang pabahay project ng Quezon City para sa Informal Settler Families, natapos na

Pinasinayaan na ng Quezon City Government ang ilang pabahay project nito sa Nagkaisang Nayon at Barangay Gulod sa Novaliches para sa Informal Settler Families.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, ang Socialized Housing Project ay programa ng Local Government Unit (LGU) na layong mabigyan ng maayos at disenteng tirahan ang mahihirap na residente sa abot-kayang halaga.

Naisakatuparan ang Socialized Housing Project sa pangunguna ng QC Housing Community Development and Resettlement Department.


Prayoridad na benepisyaryo nito ang mga pamilyang nanggaling sa iba’t ibang barangay na nakatira sa gilid ng creek at mga danger zone.

Ang iba naman ay biktima ng sunog at naapektuhan ng infrastructure projects ng national government.

Facebook Comments