MAG-ASAWA, PINAGSASAKSAK NG LALAKING MANUGANG; ISA PATAY SA LUNGSOD NG ALAMINOS

ALAMINOS CITY, PANGASINAN – Pinagsasaksak ng lalaking manugang ang mga magulang ng kanyang asawa sa Brgy. Macatiw, Alaminos City, Pangasinan matapos silang looban sa kanilang bahay habang natutulog, isa patay.

Kinilala ang biktima na si Rodolfo Castil, 64 taong gulang at Merlita Castil, 60 taong gulang habang naaresto naman ang suspek na si Eddie Villaruz, 32 taong gulang pawang residente sa nasabing bayan.

Ayon sa otoridad pasado alas onse ng gabi ng pumasok ang suspek sa bahay ng mga biktima at habang tulog ang mga ito kung saan dito na pinagsasak ang mag-asawa.
Agad na itinakbo sa ospital ang mag-asawa sa tulong ng kanilang mga kapitbahay ngunit idineklara ng dead on arrival si Rodolfo.


Ang asawa naman nito ay nakaligtas at patuloy na nagpapagaling sa ospital dahil sa natamong saksak sa tagiliran.

Sa panayam ng IFM Dagupan sa PNP Alaminos, selos umano ang tinitignang motibo sa nangyaring krimen dahil nasa ibang bansa ang kinakasama ng suspek at sa magulang ng babae ito nagpapadala ng sustento para sa kanilang anak.

Lumalabas din sa imbestigasyon na lango sa alak ang suspek nang mangyari ang krimen. Narekober sa crime scene ang labing dalawang pulgadang kutsilyo na ginamit nito sa pananaksak sa mag-asawa.

Nagsisisi umano ang suspek sa ginawa nito ngunit itutuloy pa rin ng kampo ng biktima ang kasong murder at frustrated murder ng biktima laban sa kaniya.

Facebook Comments