KONSTRUKSYON NG KONKRETONG TULAY NA MAG-UUGNAY SA MGA BAYAN NG AGNO AT BURGOS, TARGET MASIMULAN NG DPWH NGAYONG TAON

Target ng Department of Public Works and Highways na masimulan ngayong taon ang konstruksyon ng konkretong tulay na mag-uugnay sa mga bayan ng Agno at Burgos sa Pangasinan.

 

Ito ay kasunod ng isinagawang inspeksyon sa nasirang hanging bridge sa Barangay San Juan, Agno na dating nagsisilbing mahalagang daanan ng mga residente at transportasyon ng produktong agrikultural.

Ayon sa punong barangay, nawasak ang naturang tulay matapos mapinsala ng magkakasunod na bagyo at umapaw ang ilog na nagdala ng malalaking debris.

Sa kasalukuyan, napipilitan ang mga residente na tumawid sa pamamagitan ng bangka o pansamantalang tulay na gawa sa kawayan na delikado lalo na tuwing masama ang panahon, at umaabot sa 24 kilometro ang kailangang ikutin upang marating ang kabilang bayan.

Sa halip na kumpunihin ang lumang tulay, isang mas matibay na reinforced concrete bridge ang itatayo na maaaring daanan ng mga pedestrian, motorsiklo, tricycle, at ilang magagaan na sasakyan.

Tinatayang aabot sa ₱25 hanggang ₱30 milyon ang halaga ng proyekto na popondohan mula sa calamity funds upang mapabilis ang implementasyon.

Ayon sa ahensya, inaasahang makatutulong ang proyekto sa pagpapabuti ng mobilidad, ekonomiya, at pangkalahatang kalagayan ng mga residente sa dalawang bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments