KONSTRUKSYON NG MACAÑAO BRIDGE SA BAYAN NG LUNA, NASA PHASE II NA

Nasa Phase II na ang konstruksyon ng Macañao Bridge sa bayan ng Luna, Isabela ayon sa Department of Public Works and Highways – Isabela Second District Engineering Office (DPWH-ISDEO).

Sinabi ni District Engineer Jose B. Tobias na kapag natapos na ang proyekto, makakatulong ito sa mga magsasaka na madaling maihatid ang kanilang mga pang-agrikulturang produkto sa merkado.

Ayon sa DPWH-ISDEO, pinapabilis nila ang konstruksyon ng naturang tulay na may Phase I actual accomplishment na 100% at nasa 21% naman sa Phase II noong Setyembre.

Ang Phase I ay natapos nitong Mayo ngayong taon habang ang Phase 2 ay kasalukuyan.

Ang tulay ay may habang 18 metro na pinondohan ng higit 38 milyon sa ilalim ng Special Road Fund Motor Vehicle User Charge (MVUC) para sa Phase I at Convergence and Special Support Program (CSSP) para sa Phase II.

Facebook Comments