Konstruksyon ng mega isolation facility sa Carmona, Cavite, tinapos na ng DPWH

Itinurn-over na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa local government ng Carmona, Cavite ang katatapos lang na mega isolation facility sa Brgy. Lantic ng nasabing bayan.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, may 151 bed capacity ang healthcare facility na may kakayahang mangalaga sa mga COVID-19 patients mula sa Carmona at iba pang lugar sa industrial zone ng Calabarzon.

Dating evacuation center ang 3,000 square meters multi-purpose building na pansamantalang ginawang isolation facility na layong makatulong para ma-decongest ang mga hospital sa mga COVID-19 patients.


Ayon sa DPWH, mayroon nang 602 COVID-19 facilities na may 23,000 bed capacity sa buong bansa.

340 sa kabuuang bilang ang natapos na habang ang 262 iba pa ay matatapos ngayong katapusan ng Setyembre at Oktubre.

Facebook Comments