Panukalang 2021 National Budget, target maibigay ng kongreso kay Pangulong Rodrigo Duterte bago mag-Disyembre

Target ng Kongreso na maibigay kay Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang 2021 National Budget bago mag-Disyembre ngayong taon.

Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, sisikapin ng Kamara na maibigay sa Senado ang panukalang pambansang budget.

Umaasa naman si Cayetano na pagsapit ng Disyembre ay mapipirmahan na ng Pangulo ang panukalang budget para naman sa susunod na taon.


Kasabay nito, sinabi naman ng liderato ng Mababang Kapulungan na makakaasa ang publiko na bagama’t pinamamadali ang paghimay sa budget ng mga ahensiya ng pamahalaan ay may kalidad pa rin ang mga ito.

Facebook Comments