Konstruksyon ng mga tulay at farm-to-markets roads, pinamamadali ni PBBM sa DPWH

Inutos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mas mabilis na kontruksyon ng mga tulay at farm-to-market road.

Sa ulat ng Office of the Press Secretary (OPS), nais raw kasi ng pangulo na mapagaan ang buhay ng Pilipino sa pamamagitan ng patuloy na pagpapatayo at pag-upgrade ng mga tulay, flood control structures at pagpapatayo sa mga eskwelahan.

Sa ngayon batay sa ulat ng OPS, sa pamamagitan ng pondong inilaan ng Department of Agriculture (DA) at DPWH nakagawa na nang 75 kilometrong farm-to-market roads mula buwan ng Hulyo hanggang nitong nakalipas na Nobyembre ngayong taon.


Nai-upgrade na rin ng DPWH ang 112 na mga tulay, 650 mga flood control structures maging 2,575 na mga school buildings para magamit ng mga estudyante.

Ilan pa sa malalaking infrastructure projects ngayon ng DPWH ay ang Cavite-Laguna Expressway, NLEX-SLEX Connector Road, Central Luzon Link Expressway, Cagayan de Oro River Flood Management project, Samar-Pacific Coastal Road at ang Mindanao Growth Corridor Road Sector Project.

Facebook Comments