MGA BENTAHAN NG PAPUTOK SA ALAMINOS CITY, ININSPEKSYON; ROVING OPERATION, PATULOY NA ISINASAGAWA

Sinuyod ng Market and Cemetery Office at Public Order and Safety Office ang mga bentahan ng paputok sa lungsod ng Alaminos na matatagpuan sa bypass old.
Parte ito ng kampanya na Oplan Iwas Paputok 2022 na naglalayong maging ligtas ang mga residente sa pagsalubong sa bagong taon.
Inisa-isa ang mga tindahan ng mga paputok upang makita kung sumusunod ang mga ito sa ipinatutupad na panuntunan ng awtoridad gaya na lamang ng pagbebenta ng mga ipinagbabawal na paputok.

Patuloy din ang isinasagawang Roving Operation na bahagi ng Oplan Pasko at Bagong Taon ng Lokal na Pamahalaang Lungsod bilang pagtitiyak sa kaligtasan ng mga bumibisita sa tourist spot ng Alaminos.
Nagpaalala din ito na maging maingat sa lahat ng pagkakataon at sumunod pa rin sa safety health protocols. | ifmnews
Facebook Comments