Halos nangangalahati na ang Department of Transportation sa konstruksyon ng MRT – 7.
Ayon sa DOTR – 44 percent na ng proyekto ang kanilang natatapos.
Sa 2022, inaasahang magiging operational na ang 12 sa kabuuang 14 na istasyon nito mula QC Memorial Circle hanggang Sacred Heart sa Bulacan.
At oras na makumpleto, magiging 34 na minuto na lang mula sa dating apat na oras ang travel time mula Quezon City hanggang San Jose Del Monte, Bulacan.
Aabot hanggang 500,000 pasahero ang kayang isakay ng MRT-7 kada araw.
Pinuri naman ni Transport Usec. for Railways Timothy John Batan ang contractor ng San Miguel dahil sa mabilis na progreso ng tren.
Aniya, ang MRT-7 ay magiging halimbawa sa ibang proyektong isasagawa na nakapaloob sa Build Build Build program ng Administrasyong Duterte.