Konstruksyon ng MRT line-4 sisimulan na ayon sa DOTr

Sisimulan na ngayong taon ang konstruksyon ng Metro Rail Transit (MRT) Line-4 na magdudugtong sa Quezon City at bayan ng Taytay Rizal.

Ito ay matapos aprubahan ng National Economic Development Authority (NEDA) ang proyektong inihain ng Department of Transportation (DOTr) at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilalim ng Build Build Build Program ng Duterte Administration.

Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, may habang 15.56 kms ang nasabing linya ng MRT.


Paliwanag ng kalihim sakaling makumpleto ito sa 2025, inaasahang mababawasan ang mabigat na daloy ng trapiko sa Ortigas Avenue Extension na halos araw-araw ay kalbaryo sa mga motorista.

Facebook Comments