Konstruksyon ng NLEX Connector Project, pinabibilisan na ng DPWH

Target ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at North Luzon Expressway (NLEX) Corporation na matapos sa katapusan ng taon ang pagtatayo ng unang limang kilometrong bahagi ng NLEX Connector.

Ito ay mula sa Caloocan Interchange, C3 patungong España, Maynila.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, ang right-of-way delivery sa buong alignment ay nasa 81% na, habang ang construction ng proyekto ay nasa 16%.


Kumpiyansa ang kalihim na matatapos ang proyekto sa itinakdang schedule nito.

Ang proyekto ay may habang walong kilometro, kung saan ito ay isang all vehicle class elevated expressway na tatawid ng C3 road sa Caloocan City, dadaan sa Abad Santos, Blumentritt, Dimasalang, España, Magsaysay Boulevard at ikokonekta sa Metro Manila Skyway Stage 3 sa Sta. Mesa, Maynila.

Mayroon itong apat na toll plaza at interchanges sa C3 at España.

Inaasahang mapapaikli nito ang biyahe sa pagitan ng NLEX at South Luzon Expressway mula sa kasalukuyang dalawang oras sa 20 minuto.

Facebook Comments