KONSTRUKSYON NG P55 MILYONG HALAGA NG FARM-TO-MARKET ROADS SA MANGALDAN, TARGET SIMULAN NGAYONG ABRIL

Maglalaan ng P55 milyong pondo ang Department of Agriculture (DA) na tutumbas sa pagpapatayo ng siyam na farm-to-market roads para masolusyunan ang magastos na pagbibiyahe ng produkto ng mga magsasaka sa Mangaldan, Pangasinan.

Target simulan nitong Abril o Mayo ang mga naturang proyekto upang tugunan ang matagal na umanong pasanin ng mga magsasaka ang mataas na gastos sa transportasyon.

Kaugnay nito, hinikayat ng Municipal Agriculture Office (MAO) ang mga barangay na makipagtulungan sa LGU upang mapabilis ang konstruksyon ng mga kalsada dahil kritikal ang agarang pagproseso ng mga papeles at land survey upang makausad ang proyekto.

Sakaling maipatupad, direktang makikinabang ang mga barangay ng David, Gueguesangen, Palua, Salaan, Inlambo, Maasin, Malabago, Macayug, Bari, Buenlag, Pogo, Banaoang at Alitaya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments