Konstruksyon ng PNR Clark Phase 1, magsisimula na ngayong araw

Aarangkada na ngayong araw ang konstruksyon ng PNR Clark Phase 1 na magdudugtong sa Tutuban, Maynila at Malolos sa Bulacan.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), oras na matapos ang Phase 1 ng PNR Clark project sa taong 2021 ay mas magiging mabilis at maginhawa na ang biyahe mula at patungong Bulacan dahil ang kasalukuyang travel time na 1 at kalahating oras at magiging 35 minuto na lang.

Inaasahang nasa 340,000 na pasahero ang kayang serbisyuhan nito araw-araw.


Ang Tutuban to Malolos ay ang unang bahagi ng PNR Clark project na plano ring ipaabot hanggang Clark, Pampanga.

Facebook Comments