LINGAYEN, PANGASINAN – Muling binisita ng Food Terminal Inc. ang konstruksyon ng Fish Processing Plant at Cold Storage Facility sa bayan ng Lingayen upang suriin ang naturang pasilidad.
Limang buwan pagkatapos ng groundbreaking ceremony ng Food Terminal, Inc (FTI) sa naturang pasilidad ay muli itong binisita ng mga opisyal ng FTI kasama ang mga tagapamahala ng departamento para masuri kung malalapit na ang pagtatapos ng konstruksyon nito.
Inaasahan ng pamahalaang bayan ang pagkumpleto ng konstruksyon at maipatakbo sa lalong madaling panahon ang operasyon ng fish processing plant.
Malaking katiyakan ang pagkakaroon ng ganitong klase ng pasilidad sa bayan na siyang mapapakinabangan ng mga mangingisda at iba pang producer ng agrikultura hindi lamang sa bayan ng Lingayen, lalawigan ng Pangasinan ngunit patin na rin sa rehiyon.
Ang proyektong ito ay magbibigay ng mas maraming trabaho para sa mga residente at maging sa mga kalapit na bayan at magkakaroon ng karagdagang kita para sa munisipyo. | ifmnews
Facebook Comments