SASAKYAN NG ISANG MUNICIPAL COUNCILOR SA MAPANDAN, TINANGAY

MAPANDAN, PANGASINAN – Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng awtoridad ukol sa pagkakakilanlan ng lalaking tumangay sa sasakyan ng isang Municipal Councilor sa bayan ng Mapandan.
Ang nasabing sasakyan ay pagmamay-ari ni Mapandan Councilor Gem Castro.
Ayon sa imbestigasyon, naka-park ang nasabing sasakyan sa kanilang lugar sa Brgy. Torres at napansin na lamang ng kanilang kasama sa bahay na nawawala ito pasado alas kwatro ng madaling araw.

Ayon sa kuha ng CCTV, tinangay ito ng isang lalaki sa pamamagitan ng pagpasok sa kanilang compound at nagtungo sa direksyon ng Urdaneta City.
Patuloy pa ang imbestigasyon kaugnay sa nasabing insidente. (Developing Story) | ifmnews
Facebook Comments