Matagumpay na isinagawa ang pagpapasinaya sa gagawing konstruksyon sa San Manuel, Pangasinan-Itogon, Benguet Road nito lamang Sabado ika-4 ng Marso taong kasalukuyan sa Brgy. Fianza bayan ng San Nicolas.
Naganap sa aktibidad ang groundbreaking ceremony sa gagawing daan kung saan ay magkakaroon na ng alternatibong ruta para sa mas mabilis na pagbiyahe papunta sa mga bayan at probinsya sa mataas na hilagang bahagi ng rehiyon.
Ayon kay DPWH Regional Director Ronnel Tan, ang sisimulang kalsada ay mayroong kabuuang sukat na 46.5 kilometers na may budget na nagkakahalaga ng P1.915 Billion.
Ayon pa kay Tan, inaasahan umano itong magpapasigla sa mga aktibidad sa ekonomiya sa pagitan ng mga Lalawigan ng Ilocos at lalawigan ng Benguet sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas maikli, mas mabilis at mas murang sistema ng transportasyon.
Ayon naman kay Senator Imee Marcos na siyang panauhing pandangal sa isinagawang groundbreaking ay layunin umano ito ng kanilang amang matandang Marcos kung saan sinabi pa nito na upang magkaroon ng mas accessible na ruta at mapataas at umusbong pa ang turismo sa mga bundok, magkaroon ng magkaroon ng peace and order maging ng pagkakaroon ng pagkakakonekta ang Rehiyon 1 sa Rehiyon 2 at 3 at sa Cordillera Administrative Region partikular na sa Baguio City at Benguet.
Samantala, dinaluhan ang naturang pagpapasinaya ng nabanggit na senador, mga opisyales ng DPWH Regional Office 1 at DPWH Provincial Office, pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan, kasama ang Congresswoman ng ika-anim na distrito at mga alkalde ng Tayug, Rosales, Asingan, San Manuel at San Nicolas. |ifmnews
Facebook Comments