KONSTRUKSYON NG SLOPE PROTECTION PROJECT SA BRGY. DIAZ, BAUTISTA, NAGPAPATULOY

Patuloy ang konstruksyon ng slope protection project sa Barangay Diaz, Bautista bilang bahagi ng mga inaprubahang proyekto ng Sangguniang Bayan para sa taong 2025.

Layunin ng proyekto na maiwasan ang pagguho ng lupa at mabawasan ang pinsala kapag tumataas ang lebel ng tubig, lalo na tuwing tag-ulan, upang matiyak ang mas ligtas na pagdaan ng mga motorista at residente.

Sa kabila ng mga hamon dulot ng matinding pag-ulan at pagtaas ng tubig sa lugar, nagpahayag ng pag-asa ang lokal na pamahalaan na maisusulong din ang planong konstruksyon ng tulay sa nasabing barangay upang magkaroon ng mas matibay na daanan sa lugar.

Samantala, hanggang ngayong Pebrero 12 ang ipinatutupad na pansamantalang pagsasara ng kalsada kaugnay ng proyekto.

Pinapayuhan pa rin ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta habang isinasagawa ang konstruksyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments