KONSTRUKSYON NG SLOPE PROTEKSYONWORKS SA KAHABAAN NG INGALERA RIVER SA SAN CARLOS CITY, NATAPOS NA

Natapos na nakumpleto na ng Department of Public Works ang Highways Pangasinan Fourth District Engineering Office ang pagpapatayo ng slope protection works sa may kahabaan ng Ingalera River sa Brgy. Ano, San Carlos City.
Ayon sa facebook page ng DPWH Region 1, ang naturang konstruksyon ay natapos at nakumpleto na noon pang July 25, 2023 sa tulong ng DPWH Pangasinan Fourth DEO.
Ang natapos na proyektong ito ay naglalayon na pangalagaan ang tabing ilog, maiwasan ang pagguho at makapagbigay ng proteksyon sa baha sa mga residenteng nakatira malapit sa ilog.

Sinusuportahan ng Z-type na sheet piles ang konstruksyon ng kongkretong revetment nito kung saan umaabot sa 152.90 linear meters ang kabuuang haba.
Ang bagong itinayong Slope Protection Works naman na ito ay magsisilbi umanong mahalagang asset sa komunidad na siyang magbibigay katiyakan sa kaligtasan ng mga residenteng nakatira malapit sa ilog. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments