KONSTRUKSYON NG TULAY SA PIDDIG, ILOCOS NORTE, DELAYED LAMANG AT HINDI GHOST PROJECT — DPWH

Delayed lamang at hindi ghost project — iyan ang paglilinaw ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon kasunod ng inspeksyon ng kalihim sa mga hindi pa natatapos na proyektong tulay sa Piddig, Ilocos Norte noong Pebrero 13, 2026.

Ayon kay Dizon, natapos na ang unang yugto ng Loing–Mangitayag Bridge kung saan nagastos na ang ₱30 milyon para sa pundasyon at mga poste.

Gayunman, kinakailangan pa umano ng karagdagang pondo upang tuluyang makumpleto ang proyekto.

Binanggit din niya ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na unahin ang mga hindi pa tapos na imprastraktura bago simulan ang mga bagong proyekto.

Nangako si Dizon na maglalaan ng kabuuang ₱85 milyon upang matapos sa loob ng taon ang tatlong tulay sa Loing–Mangitayag, Cabaroan, at Estancia sa naturang bayan.

Facebook Comments