Aprubado na ng Ilocos Region Project Advisory Board (RPAB) ang konstruksyon ng Ubbog Bridge sa bahagi ng Paoay, Ilocos Norte.
Malaking hakbang umano ito upang mapataas pa ang agricultural productivity at kita ng mga magsasaka sa naturang lugar.
Nasa higit isang daang milyong piso ang ilalaan na pondo para sa naturang proyekto na pinondohan sa ilalim ng Philippine Rural Development Project Scale-Up.
Apat na barangay sa Paoay ang makikinabang sa proyekto kabilang na rito ang Callaguip, Cayubog, Masintoc, and Oaig-Upay-Abulao.
Ang naturang konstruksyon ay makatutulong upang mabawasan ang oras ng byahe para sa mga inaangkat na mga gulay mula sa Paoay at maiwasan rin ang malaking gastos pagdating sa transportasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments