Konstruksyon sa Mati Airport, pinabibilisan na ni DOTr Acting Secretary Lopez

Pinabibilisan na ni Department of Transportation (DOTr) Acting Secretary Giovanni Lopez ang konstruksyon sa Mati Airport sa Davao Oriental upang mas makatulong sa mas mabilis na pagresponde sa oras ng kalamidad.

Ani Lopez, ginagawa na nila ng paraan na mas mapabilis ng konstruksyon sa kabila ng limitadong pondo sa mga nakaraang taon.

Sa isinagawang inspeksyon ay nakita ng kalihim ang tuloy-tuloy na konstruksyon sa passenger terminal building (PTB) ng naturang airport na target na makumpleto sa 2026.

Ayon sa kalihim, naglaan ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng P700-M budget para sa Mati Airport upang mapadali ang timeline at mapakinabangan ng taumbayan.

Samantala, inaasahan naman ang operasyon ng turbo prop aircraft sa airport sa taong 2027 at planong palawakin pa ito para sa jet operations na makapagsisilbi ring alternatibo sa Davao International Airport.

Kaugnay nito, bumisita rin si Acting Secretary Lopez kay Davao Oriental Governor Nelson Dayanghirang at Mati City Mayor Joel Mayo Almario kung saan nangako naman ng suporta sa mga proyekto ng DOTr.

Facebook Comments