Konstrusyon ng KCC Mall sa Cotabato City, tuloy ayon kay Mayor Sayadi

Tuloy pa rin ang pagpapatayo ng KCC Mall sa Cotabato City. Ito ang inihayag ni City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani Sayadi sa naging panayam ng DXMY.
Bahagya lamang nabalam ang groundbreaking bunsod na rin sa paniniwala ng ilang negosyante lalo na ng mga Chinese Businessmen na hindi maswerte ang pagpapatayo o pagbubukas ng isang negosyo kasabay ng obserbasyon ng Ghost Month. Sinasabing sa panahong ito bukas ang pinto ng impyerno at gumagala sa mundo ang ilang mga nauna ng pumanaw na maaring magdala ng malas.
Kaugnay nito, nilinaw ng alkalde na tuloy na tuloy na ang konstraksyon ng KCC Mall sa bahagi ng RH 2 ngayong taon.

Nauna na ring natambakan ng lupa ang limang hektaryang area ng pagtatayuan ng KCC Mall.

Hindi naman alam ng alkalde kung san namumula ang impormasyon ng kanselasyon ng kontruksyon ng KCC at kung sino ang nagpapakalat nito sa Cotabato City.


Bukod sa KCC, nauna na ring dinarayo ng mga taga syudad at mula sa ibat ibang bayan ng Maguindanao, Lanao Del Norte at North Cotabato ang Alnor , Robinson, Centro, SouthSeas, Superama at CityMall sa Cotabato City.

Facebook Comments