Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may nakahandang contingency plan ang Konsulada ng Pilipinas sa Guam.
Ito ay sakaling ituloy ng North Korea ang planong pagpapakawala ng missile malapit sa Guam.
Ayon kay Foreign Affairs spokesman Robespierre Bolivar, sa ngayon 43-thousand ang mga Pilipino sa Guam.
Tiniyak din ni Bolivar na maging ang Philippine Embassy sa South Korea ay may nakahanda ring contingency plan sakaling lumala ang tensyon sa Korean peninsula.
Facebook Comments