Konsulada ng Pilipinas sa Macau, nagbabala sa paggamit sa passport bilang garantiya sa loans

Nagpa-alala ang Philippine Consulate General sa Macau SAR na ang passport na ini-isyu ng Department of Foreign Affairs (DFA) ay pag-aari ng Pamahalaan ng Pilipinas.

Ang paalala ng konsulada ay sa harap ng paggamit ng ilang Overseas Filipino Workerrs (OFWs) sa kanilang passport bilang garantiya sa loan.

Nilinaw rin ng Philippine Consulate na personal dapat ang pag-claim ng passport.


Habang ang pasaporte na hindi maki-claim sa loob ng isang taon ay otomatikong ibabalik sa DFA.

Samantala, mananatili sa Huwebes ang pansamantalang pagsasara ng Konsulada ng Pilipinas sa Macau dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 doon.

Facebook Comments