Appointment papers ng bagong MIAA general manager, pirmado na ni Pangulong Bongbong Marcos

Nilagdaan na ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang appointment papers ni Leoncio Dakila “Onie” Nakpil bilang bagong General Manager ng Manila International Airport Authority (MIAA).

Si Nakpil ay dating regional manager at security official ng isang Middle East carrier (Bahrain) sa loob ng 34.

Naging chairman din siya ng Airline Operators Council (AOC) at naging chairman ng ASEAN Airline Operators Council.


Si Nakpil ay kilala sa industriya ng aviation at airline bilang “airline man” hindi lamang sa bansa kundi maging sa Southeast Asia at sa mga bansa Middle East.

Balak ni Nakpil na magsagawa ng regular dialogue sa mga miyembro ng Airlines Operation Council (AOC) para talakayin ang pag-improve sa mga serbisyo at mabawasan ang pagkaantala o pagkansela ng mga flight para sa kaginhawahan ng riding public.

Facebook Comments