Konsulado ng Pilipinas sa New York, nag-abiso sa mga Pinoy doon kaugnay ng mga bagong COVID protocols

Nagpalabas ng abiso sa Filipino Community ang Philippine Consulate General (PCG) sa New York kaugnay ng bagong panuntunan doon upang maiwasan ang lalo pang pagkalat ng infection.

Partikular ang pinaiiral sa New York na Enhanced COVID-19 quarantine at Isolation Guidance Tool.

Ayon sa Konsulado, layon nito na mapabilis ang pagbibigay ng lunas sa mga tinatamaan ng infection sa New York.


Bukod dito, mapapabilis din ang pagtukoy sa history ng COVID-19 infection sa pasyente tulad ng petsa ng exposure, positive test, paglabas ng symptoms, at ang vaccination status.

Facebook Comments