Proposed 2023 budget, kailangang busisiing mabuti

68

Suportado ni Senator Koko Pimentel ang pahayag ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., na mahalagang maipasa agad ang panukalang 2023 national budget.

Ito ay upang mapondohan ang mga programa at proyekto na ipatutupad ng gobyerno tulad ng stimulus package para sa mga negosyo na labis na napinsala ng pandemya.

Ayon kay Pimentel, bagama’t maganda ang nabanggit ay dapat pa ring himayin nang husto ang detalye ng isusumiteng proposed 2023 budget ng incoming Marcos administrasyon.


Paliwanag ni Pimentel, tungkulin ng senado na busisiin ang mga panukalang pambansang pondo taon-taon.

Facebook Comments