KONSULTA PLUS GUICONSULTA, INILUNSAD NA SA BAYAN NG ANDA, PANGASINAN

Labis na ikinatuwa ng libu-libong residente ng Anda, Pangasinan dahil nailunsad na ang programang Konsulta plus Guiconsulta sa kanilang bayan.

Pinangunahan ito mismo ni Governor Ramon V. Guico III.

Nakatanggap ang mga residente ng libreng Konsultasyon, at check-up, libreng bitamina at mga gamot hatid ng Philhealth Konsulta.

Cash incentive naman ang hatid ng Guiconsulta para sa pamasahe at pangkain.

May hatid ding libreng seedlings, at Asin na galing sa Salt Farm ng Pamahalaang Panlalawigan.

Namigay din si Governor Guico ng learning books at manipulative toys sa mga Day Care Centers.

Buong suporta naman ang ibinigay nila Vice Governor Mark Lambino, Board member Apple Bacay, board member Nong Fontalera, Abono Partlist Rep. Doc Bobby Estrella, Anda Mayor Jogaine Rarag, Vice Mayor Erwin Catabay, at mga iba pang LGU officials. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments