Pahinga muna sa kompetisyon ang ilang Student Journalist na kabilang sa Regional Schools Press Conference na ginaganap ngayon sa Dagupan City, matapos makiisa ang mga ito sa isinagawang Values Restoration Program Makakalikasan Coastal Clean Up Drive sa Pugaro Suit Beach kahapon, February 12.
Nagsama-sama ang mga mag-aaral mula sa 14 divisions sa makabuluhang programa na ito na may layuning ipakita na hindi lamang sa pagbibigay impormasyon sa pamamagitan ng Journalism nagtatapos ang responsibilidad ng mga batang journos sa komunidad, kundi maging ang kanilang inisyatibo sa pangangalaga ng kalikasan.
Nagsimula ang VRP + Makakalikasan Coastal Clean Up Drive sa isang maagang Zumba session kung saan sabay na napaindak ang mga young journalist kasama ang kanilang mga coaches at top officials ng bawat division offices.
Matapos naman ang maikling programa at ang mismong coastal clean up ay isinagawa naman ang coconut tree planting na nagpapakita ng dedikasyon ng institusyon sa pakikiisa upang mapanatili ang sigla at ganda ng naturang beach. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨