KONSULTA PLUS PROGRAM, UMARANGKADA SA BAYAN NG ASINGAN

Umarangkada ang Konsulta Plus Program sa bayan ng Asingan hatid ang libreng mga serbisyong medikal para sa higit isang daang residente sa nasabing bayan.
Kalakip ng serbisyong pangkalusugan ng pagbibigay din ng serbisyo publiko tulad ng job fair na hatid ng Pangasinan Public Employment Services Office (PESO), blood donation program ng Philippine Red Cross, feeding program activity ng Provincial Social Welfare and Development (PSWDO), at iba pang pribadong kumpanya tulad ng Bounty Fresh at iba pa.
Nagbahagi rin ng kaalaman at kamalayan ang mula sa hanay ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa wastong pamamaraan pagdating sa fire safety and prevention at Philippine National Police (PNP).

Samantala, patuloy na isinusulong ang Konsulta Plus Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan upang mas mapalawak ang mga naibibigay ng serbisyong pangkalusugan para sa mga Pangasinense. |ifmnews
Facebook Comments