KONTENTO | Balasahan sa matataas na police official sa Metro Manila, hindi mangyayari

Manila, Philippines – Walang mangyayaring balasahan sa matataas na police official sa Metro Manila.

Ayon kay bagong talagang NCRPO Chief Director Camilo Cascolan, walang dahilan para mag-reshuffle dahil maganda ang performance ng mga district directors.

Aniya, mas gusto niya kung promosyon ang magiging dahilan sakaling umalis sila hinahawakan nilang posisyon.


Mananatiling district directors sina Chief Superintendent Amando Empiso ng Northern Police District; Chief Superintendent Tomas Apolinario ng Southern Police District; Chief Superintendent Reynaldo Biay ng Eastern Police District; Chief Superintendent Joel Coronel ng MPD at si Chief Superintendent Joselito Esquivel sa QCPD.

Mula QCPD, tanging si Chief Superintendent Guillermo Eleazar lang ang nailipat ng pwesto na ngayon ay namumuno sa CALABARZON-PNP.

Facebook Comments