WAREHOUSE | Isang condo unit sa Muntinlupa City, sinalakay ng PDEA

Muntinlupa City – Sinalakay ng Philipine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang condo unit sa Barangay Buli, Sucat Muntinlupa City.

Sa bisa ng search warrant, pinasok ng tauhan ng PDEA ang isang kwarto sa 3rd floor kung saan napag-alaman nila na bagsakan at warehouse ito ng mga iligal na droga.

Nabatid na pag-aari umano ng isang Chinese national ang nasabing unit kung saan naging follow-up operation ito ng PDEA makaraang maaresto ang isa pang Chinese national sa Makati at tatlong Pinoy sa Muntinlupa.


Apat na malalaking plastic bag ng shabu ang nakita sa loob ng isang cabinet pero wala silang naabutan tao sa loob ng kwarto.

Facebook Comments