KONTRA ADIKSYON | Device na mag-aalis ng smartphone addiction, tampok sa exhibit sa Austria

Austria – Isang Austrian designer ang gumawa ng kakaibang device na pwede raw pamalit sa smartphone.

Tinawag itong “substitute phones” na gawa ng Vienna-based designer na si Klemens Schillinger.

Ang device ay ginamitan ng mga stone beads na kayang gayahin ang mga karaniwang finger movements gaya ng pag-i-scroll, pagzu-zoom at pagsu-swipe sa screen ng cellphone.


Gawa ito sa itim na polyoxymethylene plastic na kilala rin sa tawag na acetal at ito ay may kaparehong sukat gaya ng tipikal na smartphone.

Layon ng substitute phones na alisin ang smartphone addiction ng isang phone user.

Ibinida ni Klemens ang substitute phones sa isang exhibit na tinawag na #Offline.

Facebook Comments