Manila, Philippines – Nagtatag ng Anti-Corruption Unit sa Bureau of Customs si Commissioner Isidro Lapeña bilang tugon sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin ang lahat ng uri ng korapsiyon sa ahensiya.
Tinawag na Interim Internal Affairs and Integrity Unit (IIAIU), pangunahing mandato ng IIAIU na sugpuin ang mga illegal na gawain ng mga opisyal at kawani ng ahensiya na pagkakamal ng salapi o pagsasamantala sa kanilang mga posisyon.
Ang Interim Internal Affairs and Integrity Unit ay pamumunuan ni lapeña kasama ang isang abogado, dalawang special investigators at tatlong administrative staff.
Ayon kay Lapeña na tungkulin ng itinatag na IIAIU na tanggapin, imbestigahan, at humanap ng mga ebidensiya patungkol sa mga reklamo laban sa BOC personnel;
Ang pagsasagawa ng Motu Propio investigation sa sandaling makompromiso, masira at mawala ang mga ebidensiya sa mga kaso ng smuggling na nasa pangangalaga ng BOC personnel;
Isasalang din ng binuong Anti-Corruption Unit sa lifestyle checks ang mga BOC personnel;
Ito rin ang magsasagawa ng pag-aaral o rekomendasyon sa paghahain ng kasong criminal laban sa mga personnel ng ahensiya at tutulong sa prosekusyon ng mga kaso.
Upang mapalakas ang mga kaso, ang IIAIU ay tutulong sa Office of the Ombudsman, National Anti-Corruption Commission ng Office of the President at Revenue Integrity Protection Service ng Department of Finance.
Kaugnay nito, binalaan ni Lapeña ang mga kawani ng Customs na sumusuway sa kanyang mga kautusan.