KONTRA MARTIAL LAW EXTENSION | Mga butas sa 4 na petisyon, inisa-isa ni SolGen Calida

Manila, Philippines – Sa ikalawang araw ng Oral arguments sa Korte Suprema kaugnay ng apat na petisyon laban sa Martial Law Extension sa Mindanao, inilahad ni Solicitor General Jose Calida ang mga nasilip niyang butas sa mga petisyon.

Ayon kay Calida, hindi nilabag ng Pangulong Duterte ang safeguards ng konstitusyon nang magdeklara ito ng batas militar.

Iginiit ni Calida na may nagaganap na rebelyon at patunay dito ang 33 acts of terrorism ng mga rebelde.


Inihayag din ni Calida na bigo ang petitioners na maglahad ng mga batayan para baligtarin ang “presumption of constitutionality” nang aprubahan ng Kongreso ang Martial Law Extension.

Dumalo rin sa pagdinig sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, AFP Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero at PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa.

Present din sa oral arguments si AFP Deputy Chief of Staff for Intelligence Major General Fernando Trinidad.

Aniya, ang mga pag-atake ng mga rebeldeng komunista, Abu Sayyaf at presensya ng mga nalalabing myembro at supporters ng ISIS ay malinaw na banta sa seguridad.

Facebook Comments