KONTRAKTWALISASYON | DOLE, ipinagmalaki ang pag-usad ng ENDO

Manila, Philippines – Ibinida ng Department of Labor and Employment (DOLE) na patuloy na umuusad ang kampanya laban sa End of Contract o ENDO sa Rehiyon ng Bicol.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III na isang grocery store na may sangay sa Bicol Region ang boluntaryong nag-regular ng 54 na manggagawa nito para sa unang batch.

Paliwanag ni Bicol Regional Director Exequiel Sarcauga na nagsumite na ang Lotte Mart ng mga pangalan ng unang batch na mabibigyan ng Regular na estado sa trabaho matapos na pirmahan ang kanilang appointment papers noong nakaraang linggo.


Aminado naman si Lotte Mart Human Resource Head Raquel Baclao, na ito ang kauna-unahan nilang gawing regular ang mga kontraktwal nilang empleyado.

Umaasa rin si Baclao na matutulungan sila ng DOLE na mabigyan ng kaalaman ang mga manggagawa kaugnay sa mga Appointment Document na ito maging ng kanilang mga responsibilidad upang mas magsipag sa kanilang trabaho dahil nakatakda na rin nilang iregular ang mga manggagawa sa kanilang sister Company na Oriental Bazaar na mas malaking kumpanya at may mga sangay sa Tabaco City at Daraga sa Albay.

Sa pinagsamang regular na empleyado ng Lotte Mart at Oriental Bazaar, inaasahang may kabuuang 139 na manggagawa ang magiging regular bago matapos ang buwan ng Marso.

Facebook Comments