BANTAY SEGURIDAD | QCPD, nakaalerto na sa pagbabantay sa Araneta Bus Terminal

23

Manila, Philippines – Nakakalat na ang mga tauhan ng QCPD sa Araneta Bus Terminal upang bantayan ang mga kababayan natin magsisipag-uwian sa kanilang mga probinsiya upang gunitain ang Kwaresma.

Ayon kay QCPD District Director Chief Supt. Guillermo Eleazar ipinakalat na niya ang lahat mga tauhan ng Station 7 at mga operatiba ng EOD upang bantayan ang mga magsisipag uwian sa kani kanilang mga Lalawigan para doon gunitain ang Semana Santa.

Paliwanag ni Eleazar, mahalaga na maging alerto ang mga pulis ng QCPD para hindi malulusutan ng mga nagbabalak na maghasik ng kaguluhan.
Umapela rin ang heneral sa publiko na maging mapagmatyag at isumbong kaagad sa mga nakakalat na pulis ang kanilang napapansin na maykahina hinalang kilos o bagay sa kanilang lugar upang agad mabigyan ng kaukulang aksyon ng pulisya.


Facebook Comments