KONTRAKTWALISASYON | Media networks, iinspeksyunin ng DOLE

Manila, Philippines – Iinspeksyunin na rin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga media networks bilang bahagi ng kampanya kontra illegal contractualization.

Tugon ito ng DOLE matapos akusahan ni PANGULONG RODRIGO DUTERTE ang isang TV network na lumalabag sa anti-contractualization laws.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, mayroon na silang mga bagong labor law compliance officers na kanilang isasabak sa pag-iinspeksyon.


Aniya, lahat ng media networks ay sasailalim sa inspeksyon.

Bago ito, inihayag ng DOLE na ilang kumpanya at establisyimento sa buong bansa ang nagsumite ng kanilang regularization plan.

Facebook Comments