KONTRAKTWALISASYON | TUCP, nakukulangan sa Duterte Administration sa pagresolba sa endo

Manila, Philippines – Nakukulangan ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa nagampanan ng administrasyon sa taong 2017 sa paghanap ng solusyon sa problema sa tinatawag na ‘end of contract’ o ‘endo’ sa pribado man o pampublikong sektor.

Nababagalan din ang TUCP sa pagresolba sa umiiral na kontraktwalisasyon sa gobyerno.

Batay sa datos ng TUCP, lumalabas na halos kalahating milyon na lingkod bayan ang kontraktwal habang pitumpu’t walong-libo ang casual employees mula sa 3.5 million government workforce.


Umaasa naman ang TUCP na agarang maipapasa sa batas ang House Bill No. 6406 na naglalayong gawing ‘Regular Status’ ang contractuals na nakapag-silbi na ng limang taon at kahit wala silang Civil Service Eligibility.
Maliban dito, ipupursige pa ng workers’ group ang Executive Order on Security of Tenure para sa mga manggagawa na nasa Private at Public Sectors.

Facebook Comments