OVP, maghahatid ng tulong para sa mga biktima ng baha sa Quezon Province

 

Walang takot na sumulong ang Office of the Vice President o OVP sa pamamagitan ng Disaster Operations Center o DOC upang maghatid ng tulong sa mga biktima ng matinding pagbaha sa Lucena City, Quezon Province ngayong araw.

Umabot sa 2,000 verified flooded families mula sa anim na matinding tinamaan na mga barangay sa Lucena City ang nabigyan ng relief bags.

Rumesponde rin ang OVP Kalusugan Food Trucks upang mamigay ng maiinit na pagkain sa mahigit 100 na volunteers.


Nagpapasalamat ang OVP sa tulong ng city government ng Lucena sa pangunguna ni Mayor Mark Alcala at Vice Mayor Dondon Alcala upang maihatid ang agarang tulong ng OVP para sa ating mga apektadong kababayan.

Facebook Comments