Kontrata ng DOTr sa Busan Universal Rail Inc o BURI, planong ibasura

Manila, Philippines – Bunsod ng walang tigil na problema na nararanasan ng mga commuters araw araw sa MRT3, pinag-aaralan na ngayon ng Department of Transportation (DOTr) ang pag-terminate o pagpapatigil sa kontrata ng ahensya sa Busan Universal Rail Incorporated o BURI.

Itinuturing na invalid ang kontrata sa BURI dahil hindi naman ito nilagdaan noon ni dating DOTC Sec. Joseph Emilio Abaya.

Ayon kay DOTr Sec. Art Tugade, pabor siya sa termination ng kontrata sa BURI at pinag-aaralan na ngayon ng DOTr ang ligal na proseso para hindi maharao ang gobyerno sa reklamo dahil sa pagputol ng kontrata.


Pinag-iisipan na rin ni Tugade kung ano naman ang gagawin ng pamahalaan sa oras na putulin ang nasabing kontrata sa BURI.

Umapela naman ang kalihim na huwag muna silang pangunahan ng Kamara sa kung ano ang dapat na gawin at kung ano ang ipapalit sa BURI.

Giit ni Tugade, kailangan nilang ikunsidera ang mga balancing acts at iwasan ang mga unsolicited proposals.

Sa 2018 budget, nasa 73.8 Billion ang hinihinging pondo ng DOTr.

Samantala, nagprotesta naman ang mga madi-displace na magsasaka mula sa San Jose del Monte Bulacan bunsod ng pagtutol nila sa itatayong MRT7.

Facebook Comments