Team Philippines, may 11 gintong medalya na sa nagpapatuloy na SEA Games sa Malaysia

154

SEA Games – May labing isang medalyang ginto na ang Pilipinas sa 2017 Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Tinalo kasi ng Pilipinas ang Thailand, 16-14 sa finals ng men’s fours ng lawn bowls event ng biennial game.

Samantala, panalo rin ang Pilipinas sa women’s volleyball matapos durugin ang Malaysia sa straight sets 25-18, 25-11 at 25-16.


Dahil dito pasok na sa semis ang koponan na pinangungunahan nina Alyssa Valdez, Mika Reyes, Abby Maraño at iba pa.

Facebook Comments