Kontrata ng Globe Telecom sa San Miguel Corp na makatutulong sa pagpapabilis ng internet sa bansa, tuloy na

Manila, Philippines – Bunsod ng wala nang legal na balakid o kautusan ng korte, sinimulan ng Globe Telecom na kumpletuhin ang pinasok na kasunduan sa pagitan ng San Miguel Corp.

Kabilang dito ang pag-uumpisa upang magamit na ang 700-megahertz frequency, isang karagdagang spectrums na makatutulong upang mapabilis ang kanilang serbisyo sa internet.

Ayon kay Globe Telecom General Counsel Atty. Froilan Castelo – nakasunod sila sa lahat ng kinakailangang requirements upang makumpleto ang kontrata sa pagitan ng San Miguel.


Pagdidiin pa ni Castelo na walang nilabag na batas ang Globe ng lagdaan ang nasabing kasunduan.

Sa kabila ito ng patuloy na pahayag ng Philippine Competition Commission na labag sa ipinalabas na gag order ng Court of Appeals dahil sa nakabinbin kaso.
DZXL558

Facebook Comments