Manila, Philippines – Pinarereview ni Senator Nancy Binay sa Solicitor General ang mga kontrata na pinasok ng gobyerno sa iba’t ibang data management providers.
Ang pagpapakilos ni Senator Binay sa SolGen ay kasunod ng passport data breach sa Department of Foreign Affairs.
Diin ni Senator Binay, kailangang matiyak na may proteksyon ang impormasyon mula sa mamamayan alinsunod sa itinatakda ng Data Privacy Act.
Dapat din aniya ay hindi na maulit ang nangyari noon sa land transportation office at national bureau of investigation na nahinto ang operasyon at serbisyo dahil sa pagkakaroon ng problema sa 3rd party contractor nito.
Dagdag pa ni Binay, dapat ay maibalik din sa pamahalaan ang lahat ng data na hawak ng data management provider kapag natapos na ang kontrata.
Ipinaalala din ni Binay ang maraming kaso ng identity theft kaya’t andyan ang pangamba ng publiko na maaaring magamit ang datos nila sa maling paraan.