Kontrata ng mga kandidato sa bus companies na pinagkabitan nila ng posters, ipasisilip ng COMELEC

Manila, Philippines – Sisilipin ng Commission on Elections ang mga kontrata ng mga kandidato sa mga kumpanya ng bus na pinagdikitan nila ng campaign poster.

Ayon kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, kailangang ideklara ng mga kandidato ang kanilang gastos at kasama na ang campaign posters sa pampublikong sasakyan.

Aniya, dapat mapasama sa Statement of Campaign Expenditures o SOCE ang gastos ng mga kandidato na idenedeklara tatlumpung araw pagkatapos ng eleksyon.


Nilinaw din ni Guanzon na kahit na sa mga bus, taxi, jeep at tricycle, dapat pa rin sundin ang tamang sukat ng posters na “2×3 feet”.

Dapat din aniyang ilagay ang tarpaulins sa likuran lamang ng sasakyan.

Facebook Comments