Kontrata ng mga kinuhang vaccinators, magtatapos sa susunod na buwan – DOH

Aabot sa ₱400 milyon ang ginastos ng Department of Health (DOH) para sa pag-hire ng humigit-kumulang 3,000 vaccinators.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, magtatapos na ang kontrata ng nasabing 3,000 vaccinators sa buwan ng Hunyo.

Gayunman, sinisiguro aniya ng kagawaran na ang pondo para sa pag-rehire sa vaccinators oras na matapos ang kanilang kontrata.


Sabi pa ni Vergeire na nakikipag-ugnayan na sila sa pribadong sektor na nag-alok na makatulong ang kanilang healthcare workers para sa COVID-19 vaccination program para mapalakas pa ang pagbabakuna sa bansa.

Sa ngayon, mayroon nang natanggap ang Pilipinas na mahigit 7.7 milyong doses ng bakuna kontra COVID-19.

Facebook Comments